KuloG at KidlaT

May Plakard 2 ba? (In response to those who beg for a second part)

April 20, 2009

      Eto nanaman. Maglilitanya nanaman ako dahil sa mga humihiling na sana may pangalawang kabanata ang maikling kwento kong “PLAKARD” sa newsletter issue ng Highlights (on the positive side) at sa mga humihirit na bitin ang kuwento. Natuwa naman ako na maraming bumasa at nakaappreciate sa eksposisyon ng storyline. Pagkatapos kong malikom ang ilang e-mails at ilang text messages mula sa iskul pipol at other-skuls-pipol, binasa ko ulit ang kuwento for assessment. Haay. Natapos ko naman ah! Haha. Ang plano ko talaga’y sa linyang “Nagbibigay pag-asa naman” magtatapos ang kuwento pero nako, parang sisirit ang dugo sa kama ko ngayon dahil sa mga nagbabanta sa buhay ko at humihingi ng part 2. Ang tanong, kailangan ko pa bang isipin nang isang daang beses kung dapat pa akong magpart 2 kung buhay ko na at buhay ng future family ko at mga apo ko sa tuhod ang nakataya? hahahaha. Okey okey. I made up my mind. May part 2 but I’ll review the plot first to make the story line consistent.

    Sa mga nagrereak kung bakit hindi ako nag-abide sa moral principles sa paghubog ng karakter ng bida, tsk tsk. Kasi mahilig akong gumawa ng characters na emo at yung may mga mabigat na problema. It pulls out all the creativity I have inside at parang napakaemosyonal yung takbo ng kwent. Hindi tulad ng mga bubbly, n0-problemo characters na nagigingboring minsan at  korni in a sense. (Pasintabi, hindi poi ako nang-aalipusta, sariling kuro-kuro lang po). 

   At sa mga nagtatanong kung sarili ko ba talaga ang dinedescribe ko doon, let me think about it. Haha. The truth is, hindi. Apay ilakok ta kidnik dudes? Bamon a met. 

   Till here. The point is may PART 2 po ang PLAKARD. 

   Bow. *Witwiw*

 

 

Posted by kulogatkidlat at 5:08 pm | permalink | Add comment

Panimula

April 11, 2009

        Kasabay ng nakalulungkot na pagkalugi ng pelikulang bold dito sa Pilipinas ay ang paglago naman ng angkan ng mga modernong pongid na kung tawagin ay “Bloggers” (Scientific name: Multiplyus friendsteresis). Masahol pa sa bacteria ang arithmetic expansion nang lahing ito. Kada minuto nadodoble ang kanilang bilang sa pisngi ng bansa pero mangilan-ngilan lang ang talagang nakakapag-update ng bagong post. Parte na sila sa makulay na kasaysayan hindi lang sa bansa natin kundi pati narin ang buong mundo mula Aruba hanggang sa kabilang dulo ng Aruba . Malaki ang partisipasyon ng mga Bloggers sa pag-unlad ng mundo mula sa pagkatuklas ni Magellan sa SM Mall of Asia hanggang sa maging billboard model ng Bench Body si Sisa beybeh. Lahat ng mga pangyayaring naging daan upang mamulat ang mga tao sa kasaysayan ay nairekord ng mga ninunong Bloggers sa kanikanilang mga sinaunang Iphone na yari pa sa balat ng punong atsuete at mga  natanggal na ngipin ng kani-kanilang mga nakababatang kapatid. Dahil dito, utang natin sa mga “Bloggers” ang kung anong meron tayo ngayon, utang na mababayaran lamang natin sa pamamagitan ng pagjajapayuki at pagbenta ng mga nakaw  na pustiso mula sa ating mga lolo, mga lola at lalung lalo na sa ating mga guro noong highschool.

Kaya tanda ng pakikiisa sa lahi nila ay nagtatag din ako ng sarili kong blog para maipahayag ko naman ang lahat ng gustong iparating ng damdamin kong katatapos lang maantig dahil sa walang humpay na pag-iyak ng aso naming namatayan ng supling kanina lang.

A tiny speck of positive reception towards all posts found in here is highly appreciated. Godspeed!

Posted by kulogatkidlat at 3:27 pm | permalink | Add comment