KuloG at KidlaT

Sa mga nagsasabing madali

July 5, 2009

 

 Hindi madali ang nursing. Nararapat gilitan ng leeg yung mga nagsasabing sisiw lang ito at hindi pinaghihirapan. Kung sa lectures, bugbog sarado ka na at laging nag-aalala sa kalalabasan ng iyong quizzes, how much more sa mga hospital duty na hands-on na talaga ang praktis. Yung tipong naiignorante ka’t parang hindi ka makagalaw nang mabuti kahit alam mo yung theoretical basis ng mga procedures. Ang daling sabihing, “Inform the patient about the procedure”. Pero pag nasa harap mo na yung pasyente’t namumuti na sa nerbyos, di ka din ba nenerbiyosin? Opkors. Kaya may tsans na hindi mo na din maiinform yung pasyente at basta basta mo na lang gagawin.

 

Pero para sa akin, masarap magduty sa ospital, bigtime man o sa rural health unit lang. Bukod sa naprapraktis mo ang mga kasanayang dapat mong matutunan, makakaranas ka pa ng mga experiences na swerte mo’t propesyon mo lang ang nakagagawa bukod sa pagdodoktor. Ikaw ba naman ang makaexperience na makita ang mga laman loob ng mga taong ooperahan na dati’y sa libro mo lang nakikita, o kung paano titigil ang oras at ang ikot ng mundo kapag ma’y dumapo sa sterile area ng operating room kahit isang butil ng pawis lang. Ikaw ba naman ang makaexperience na punasan ang mga malansang likido sa katawan ng isang sanggol na kalalabas lang sa sinapupunan ng kanyang lupaypay nang ina at makarinig ng unang salita niyang “Chorva!”. O diba? Bihira lang dumaan ang ganitong karanasan sa mga ordinaryong tao. Kailangan mong maging student nurse para pagdaanan  ang mga ‘to.

 

Kung may mga pribilihiyo, opkors, may mga pangit ding karanasan. Minsan, napapagalitan ka sa maling ginagawa mo,minsan nababato ka ng mga gunting o clamp sa operating room, nasisigawan ka ng doktor, napapahiya ka sa pasyente, pinapasukat sayo ang tae and ihi ng mga inaalagaan mo at iba pa. Well, parte yan ng treyning kahit pa gano kasama iyan.  Idala niyo sa akin yung mga nurses na kahit minsan sa buhay nila ay di sila napahiya o napagalitan sa loob ng hospital. Kung meron, babayaran ko ng isang milyon ang makapagdadala nito’t puputulin ko pate ang aking testes. Deal? Okey. Maghihintay ako.

 

Mahirap maging student nurse. Mahirap mag-duty. Pero alang alang sa mga pamilyang umaasa, mga anak na umiiyak, mga dyowang naghihintay, lahat pinagdadaanan makapasa lang sa board exam.

 

 

Posted by kulogatkidlat at 6:16 pm | permalink

Previous Comments

I feel your pain -_-”
sleepless nights, wala ng social life kakagawa ng thesis..nosebleed na pag may CI.. damn :D

Posted by Uno at July 7, 2009, 11:46 pm

isa ang tatay ko dati s ngsasabing madali lng ang nursing… sabi nya, singdali lng ng driving..

pero ngaung 3rd yir n aq at nakta nya ang hirap ko nung summer… wel..
hahahahaha

Posted by jet at July 8, 2009, 8:18 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment