KuloG at KidlaT

Ang Katapusan ni Berto Junior

July 3, 2009

Nakita ko si Perla.

Sinundan ko.

Mabilis siyang naglakad, parang tumatakbo.

Tumingin siya sa kanan, luminga sa kaliwa.

Pinagpawisan marahil .

Paranoid ang dalaga.

Kalat ang bituin sa langit, maliwanag ang buwan

Malamig ang paligid, medyo mahangin, medyo madilim

Tumigil sa may masukal na damuhan

Parang crossbreed ng aswang at mambabarang

Luminga sa kanan, tumingin sa kaliwa

Hinihintay siguro ang anghel na sasalba sa kanya

Pagkuwa’y dumating si Berto

Mata’y papikit-pikit, lakad ay hindi diretso

“Lasing ka?” tanong ni Perla

“Obyus ba? “ sagot ng adik na si Berto

“Ano, kaya mo pa bang gawin?” tanong ng dalaga

“O’kamon. Ako pa?” sagot ng naduduwag na binata

Humiga si Perla sa gitna ng damuhan

Ang mga tipaklong at alibangbang ay nagsiliparan

Huminga ng malalim si Berto’t naluluha

Wala sa kagustuhan ang magkasala

“Mahal kita Perla, di ko kayang kumitil ng buhay” iyak niya.

“Ogag! Kung ayaw mo, ako na gagawa”

Paningin ni Berto’y nagdilim

Binulungan ng demonyo ang utak niyang singlabnaw ng Gin

 

Sa kailaliman ng malamig na gabi.

May nagkasalang adik.

May inang hindi nagsisisi.

Dapat sana’y may bata pang hihikbi.

 

 

Pasted from <file:///C:\Documents%20and%20Settings\Neil\My%20Documents\POETRY.doc>

 

Posted by kulogatkidlat at 5:01 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment