Bangkang Tsinelas
July 3, 2009
Nagising ako sa nanggagalaiting tahol ng dalawa naming itim na askal. Ngayon ko lang narinig ang mga iyon na tumahol ng ganoong kabangis. Bumuka nang bahagya ang aking kanang mata upang suriin ang paligid pero wala pa akong masyadong maino. Medyo maliwanag na pero hindi pa sapat upang makita mo nang malinaw ang lahat. Ang puno ng tsiko, ang dalawa naming kalabaw, ang kabuuan ng bakuran, wala namang nagbago nang huli ko iyong makita kahapon. Isa lang ang naramdaman kong nadagdag, ang malambot kong kumot na hindi ko naman kasama nang makatulog ako. Marahil ay dinala ni Nanang kagabi. Dito na ako sa labas naidlip kagabi buhat nang matapos ko ang pagkakamada ng ilang lupon ng tubo na pipigain ngayon para gawing suka. Hindi ako nasindak sa papataas na araw sa silangan at ang sunod-sunod na pagtilaok ng mga tandang sa paligid. Iisa lang ang mensaheng pinaparating. Dapat na akong bumangon. Pero dahil sa bulong nang aking kaluluwang hindi pa nakukuntento, nanatili pa rin akong taimtim na nakahiga sa aking munting papag.
Pagkuwa’y tumahol nanaman ang mga dakilang bantay. Dito na nagising ang aking dumadaloy na dugo. Hindi ko pa narinig ang pagsipol ni Tata Kiko sakay ng kanyang inahing kalabaw na dumaraan sa harapan ng aming kubo araw-araw. Pati ang tagahatid ng sulat dito sa aming baryo ay wala pa. Sila lang naman ang madalas dumaan dito ng maaga. Dahandahan akong tumayo at tinungo ang puno ng tsiko. Doon namin nilalagay ni Tatang ang mga itak na ginagamit namin araw-araw. Marahan kong kinuha ang aking sab-sab na medyo kinakalawang na habang dumikit ang aking paningin sa halamanan sa gilid ng aming bahay. Doon nakaharap ang dalawa naming aso na patuloy paring tumatahol. Unti-unti akong lumapit doon habang ilang papahinang kaluskos ang aking narinig. Kahit may kaunting takot, iba pa rin kung kapakanan ng nakararami ang iyong iniisip. Baka isa iyong ahas na puwedeng tumuklaw sa mga anak ni Aling Petra, o maaaring nakawalang baka na puwedeng sumira sa papasibol pa lang na tubo ni Tatang.
“Lumabas ka diyan kung tao ka man. Kung hayop ka man, diyan ka lang. Kahit katorse anyos lang ako, kaya ko nang gilitan yang leeg mo!” sigaw ko nang buong tapang habang itinaas nang bahagya ang hawak kong sandata.
Walang sumagot. Ihip lang ng hanging nagmula sa bukirin ang nakilala ng aking dalawang tainga. Pumasok pa ako kaunti sa kailaliman ng talahiban. Isa lang ang nasisigurado ko. Mayroong nilalang rito kanina. Isa o dalawa. Engkanto man o tao, basta mayroon. Sigurado ‘yon. Bukod sa mga nabaling damo, ebidensyang may nahiga dito kagabi o kanina, may isang bagay pang lalong nagpatibay sa hinala ko, dalawang piraso ng tsinelas. Kulay dilaw at kulay pula. Dalawa pero hindi pares. Ngayon ko lang nakita yung dilaw na tsinelas pero yung pula ay parang napakapamilyar pero hindi ko maaninag kung saan ko iyon nakita.
“Kalokohan. Sino naman kaya ang walang isip na natulog dito? Mag-iiwan na nga lang ng dalawang tsinelas, hindi naman magkapareha. Pano naman kaya iyon magagamit. Maramot at makasarili. “ aniko sabay iling.
Pagkalabas ko sa mga halaman at damo, naabutan kong nililigpit ni Nanang ang kumot at unan ko. Napansin ko ring naroon na ang basket ng pandesal na ipinapabenta sa akin ng kapitbahay naming na may panaderya.
“Susmaryosep. Saan ka ba nagsususuot bata ka at puro baging yang buhok mo? Hawak mo pa yang sab-sab. Ibalik mo na iyan at magkape ka muna sa loob bago mo ibenta yang mga pandesal ni Mang Henry” utos sa akin ni Nanang.
“Hindi na ako magkakape ‘Nang. Deretso benta na ako, maunahan pa ako ng iba eh” sagot ko habang binuhat ang basket ng tinapay at unti-unting tinahak ang daan patungo sa lupon ng mga bahay sa timog ng aming barumbarong.
“Siya, sige. Mag-ingat ka sa mga aso diyan ah” huling bilin ni Nanang.
Kung saan saan nakarating ang aking mapaglarong imahinasyon habang nilalakad ko ang kahabaan ng daan papunta sa sentro ng baryo. Tumitindig pa ang mga buhok ng aking katawan dahil sa lamig ng umaga sa bukirin. Sino naman kaya ang nahiga doon, tanong ko sa aking sarili. Hayop kaya iyon? Maaaring aso na pilit nginangatngat ang mga tsinelas na nilalaro niya? Tama. Baka nga. Pero sa pagkakabali ng mga damo, hindi naman ganun kalawak o kahaba ang bakat ng katawan ng aso kapag nahiga at ang totoo niyan, kapag matutulog ang aso, babaluktot naman ito. Tao nga malamang. Sigurado ako riyan. Pero sino naman kaya? Isa lang ba siya o may kasama? Isang tao lang ba ang nagsoot ng tsinelas o dalawang taong nagkapalit lang? Kinilabutan ako sa mga tanong na bumagabag sa akin. Parang nawala ako sa takbo ng oras. Ilang minute na pala ang dumaan nang hindi ko man lang namamalayan.
“ Psssst. Aldo. Pabili ng pandesal mo iho. Dalawang supot. Yun parin ba ang presyo?” biglang tanong ng isang babae. Bumalik muli ang aking kamulatan sa mundong ginagalawan ko. Hindi ko namamalayan, nasa sentro na ako ng baryo. Napatingin ako sa kanan. Si Aling Obang.
Nagtungo ako sa bintana ng kusina nilang yari sa kugon at kawayan sabay kinuha ng dalawang supot ng pandesal.
“Eto po Aling Obang. Sampung piso ho” kako sabay abot sa tinapay at kuha ng bayad. Nagbigay siya ng bente pesos. Hinalungkat ko ang aking bulsa para suklian iyon. Tila mangkok na sinasabuyan ng sabaw ang aking mga tenga sa mga oras na iyon habang kinakapakapa ko ang mga barya sa aking bulsa.
“….daw iyon. Totoo daw. Yun ang sabi nila.”
“Kunsabagay, nakikita ko silang parang naglalandian lagi sa ilog pag naglalaba si Maria. Nako. Makasalanang dalaga. May asawa na ni Emil. Kung makatitig si Emil kay Maria parang wala nang bukas. Nako, patawarin nawa sila ng mga santo. ” Sagot ni Aling Obang.
“ Obang, hindi nga kaya ng asawa niyang si Melda na bigyan siya ng anak. Pero hindi pa tayo sigurado sa mga ito dahil yun ay sabi-sabi lang. Ang sabi naman ni Pareng Oka e si Muyak daw ang laging kausap ni Emil sa may tindahan. ” sabi ni Mang Marcos habang inabot ko na sukli sa dekalyong kamay ni Aling Obang.
Umalis na ako nang hindi nagpapasalamat. Napangiti ako. Heto pala ang maganda kapag umaga at naaabutang nagkakape ang mga bahay-bahay. Naririnig mo ang mga sariwang mga balita’t tsismis sa baryo. Napahagikgik ako. Eto palang si Mang Emil ay may tinatagong kababalaghan. Parang isang bumbilya ang nagliwanag sa loob ng aking ulo. Umikot uling parang daynamo ang aking utak habang naglalakad bitbit parin ang basket ng mga pandesal. Pagkuwa’y, nagliwanag ang aking paningin nang makita ko ang bahay nila Mang Emil. Dinala ako ng paa ko unti-unti sa likod ng kanilang bahay.
“ Mang Emil, pandesal po. Aling Melda, mainit pa po” bati ko. Naglalaba si Aling Melda sa likod habang nasa kaliwa nito si Mang Emil na nagsisibak ng mga kahoy panggatong.
“Bigyan mo nga ako ng isa, Aldo, nang sumarap naman ang umaga kong sinira nanaman ng IBA DIYAN!” sigaw ni Aling Melda na nagmistulang parinig kay Mang Emil.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi totoo ang sinabi ni Tata Kiko na may kasama akong babae kagabi. Gumagawa nanaman ng istorya ang matandang iyon. Alam mo naman na ikaw ang nagbibigay saya sa buhay ko Melda. ” sagot naman ng pawisang mister.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Parang may nagliwanag ulit sa loob loob ng isip ko.
“ E ano yung nakita niyang kasama mo kahapon sa may bukirin? Kalabaw na may suot na bestida? Kahit naman siguro may katarata yung matanda, alam pa rin niya kung ano ang kalabaw at ano ang tao!”
“ Ewan ko sa iyo. Aah, Aldo, idadaan ko na lang yung bayad mamaya sa bahay niyo. Salamat iho, pasensya na sa amin” marahang sinabi ni Mang Emil sa akin sabay tango.
Humirit ulit ang misis niya habang papalayo ako.
“Hayan hayan, wala nanamang pera. Wala na ngang maipambayad sa pandesal e winawalawala pa ang tsinelas niya. Una sinira mo yung binili kong berde. Pangalawa, winala mo ang pares ng dilaw na binili ko lang nung isang araw! Ang mahal mahal ng tisnelas sa palengke e tapos parang laruan lang na winawalawala mo!”
Tumigil ang mundo. Tumigil ang oras. Tumigil ang aking paghinga. Tama ba ang aking narinig? May nawawalang pares ng tsinelas si Mang Emil. Dilaw. Dilaw Dilaw. Biglang bumalik sa ala-ala ko sa tsinelas na nakita ko kanina sa may halamanan. Hindi pa man ako nakasisigurado, binubulong na ng kalikasan sa akin na si Mang Emil nga iyon. Bumalik din sa aking isip ang mga narinig ko kanina kina Aling Obang at ang nasabi raw ni Tata Kiko. Nakikipagrelasyon si Mang Emil. Nakikipagkita siya sa isang babae, sa isang babaeng pwedeng sa katauhan ni Aling Maria o ni Aling Muyak. At kagabi o kahapon, nagtagpo sila sa may halamanan namin. Dahil siguro kami ang may pinakamalayo at pinakamasukal na taniman sa baryo. Napailing ako. Parang sinasabi ng konsensiya ko na itigil na itong kahibangan na ito pero alam ko sa sarili ko na kapag itinigil ko to, mamamatay ako sa pagtataka habang buhay. Dapat kong tapusin ang aking sinimulan.
Napahagikgik ako. Ano ako superhero? Astang detektib?
Naisipan kong magtungo kina Aling Maria. Ang alam ko’y wala siyang kasama sa bahay nila. Ang tatay niya ay nasa bahay ng tiyuhin niya sa Quezon. Ang nanay naman niya ay namatay na dahil sa pulmonya. Kawawang Aling Maria, yun siguro ang sanhi ng kanyang pagiging dalaga kahit pwede paring mag-asawa ngayon—hirap ng buhay.
Ilang metro pa lang ang nilalakad ko nang makita ko si Aling Mariang nakasakay sa traysikel, papaalis. Papuntang bayan siguro dahil may bitbit siyang basket.
“Ang aga naman, sayang!” sabi ko sa aking isip. Gusto kong habulin pero baka hindi rin siya bibili.
Saan ako ngayon pupunta? Kina Aling Muyak? Siguro nga. Baka may masasagap nanaman akong kuwento, kahit anong detalyeng magbibigay linaw sa mga tanong na naglalaro na ng patintero sa kalakhan ng aking pag-iisip. Tinahak ko ang daan pakaliwa. Mga limang minuto din akong naglakad.
“ Benjie,asan ang nanay mo?” tanong ko sa walong taong gulang na anak ni Aling Muyak na may-ari ng isang tindahan dito sa baryo. Naglalaro ito ng kawayang kotse-kotsehan sa harap ng bahay nila.
“Nasa kina Mang Berting po, nagsisingil ng utang” sagot ng bata.
“Kailan siya babalik, magbebenta sana ako ng pandesal e?”
“ Sabi niya po bago po magtanghali para makapagluto pa daw siya ng pananghalian namin.”
Tumango na lamang ako matapos magpasalamat sa bata. Naglakad na ako pauwi. Pinanghinaan na ng loob ang munting detektib sa kaluluwa ko. Tingnan mo nga naman ang minamalas. Paano ngayon yan? Wel, wel, wel, dis is da end of da starting. It is end rayt hir. Its malas old a wey. Its no klir ekpleyning da mistiryus of da tsinelas. I go home. Its malas talaga. Parang detektib talaga pero napurnada ang aking napagandang kaso. Hindi ko na pwedeng halungkatin ang mga bagay-bagay. Siguro ito na yaong sinyales na dapat na akong tumigil dito. Kunsabagay, wala rin naman akong karapatang maghusga. Kung nakikiapid man si Mang Emil, kagustuhan niya iyon. May rason siguro. Imoral man, bugso iyon siguro ng mga hindi nakukuntentong aspeto ng kanyang pagkatao kasabay pa ni Aling Melda na hindi makapagbigay ng anak sa kanya. Isa ito sa mga nagpapahina sa loob siguro ni Mang Emil. Sa kung sino man din ang babaeng pumapayag magpaapid sa lalake, may rason din siguro siya. Pwedeng hindi rin siya nakukuntento, nakahanap ng mas matinding pagmamahal sa ibang lalake na hindi na isinaalang-alang ang sinumpaan nila sa simbahan at ang salita ng Diyos, pwede rin namang dahil sa pera o dili kaya’y gustong maiangat ang kabuhayang ng naghihirap na niyang katauhan.
Maraming dahilan. Ngunit ang katotohanan ay mas marami ang rasong masama kesa sa pwedeng makalusot sa panghuhusga ng mga moralista o sa mga dahilang katanggap-tanggap talaga.
Habang binabagtas ko ang pilapil na daanan sa gitna ng malawak na palayan at tubuhan palayo sa sentro at papunta sa aming di kalayuang bahay, tumataas naman ang araw sa kalangitan. Isa lang ang natutunan ko ngayon, sa lahat ng bagay na ginagawa ng tao, sa dalawang kategorya lamang siya maipapangkat, kung MASAMA ito o MABUTI. Walang masama na nagiging mabuti. Walang mabuti na nagiging masama. Kung meron man, masama parin, dahil ang kabutihan ay puro at walang halo.
Di kalayuan, sa munting agusan ng bukirin naino ng aking paningin si Arnel, walong taong gulang na apo ni Mang Kiko. Nakaupo at tila may nilalaro laro sa tubig. Binalot ako ng pagtataka kaya nilapitan ko ang bata. Nakaupo ito at nakatalikod sa direksyon ko.
“ Arnel.. Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Humarap sa akin ang bata.
“ Naglalaro po kuya Aldo” sagot ng bata.
“ Nang alin?”
“ Nang tsinelas po. Eto o, ginawa kong barko barko” ani Arnel. Laking gulat ko nang makitang kulay pula ang tsinelas. Hindi maikakailang yaon ang kapares nang pulang tsinelas na nasa halamanan. Ang korte nito, ang kulay, ang disenyo. Naghinala na ako, isang hinalang gigiba sa aking pagkatao.
“Saan.. Kanino.. mo nakuha iyan?” tanong ko nang buong tapang pero balot parin ng kaba at takot.
“ Sa nanay mo Kuya Aldo, binigay niya sa akin kanina lang nang papaalis ka para magtinda.”
Napaupo pa ako sa aking narinig. Nanlaki ang aking mata. Bakit nga ba hindi ko nakita o nalaman man lang na tsinelas ni Nanang iyon? Pagkamuhi ang bumalot sa puso ko. Galit ang nasa isip ko. Totoo ba o hindi? Kung totoo, bakit nagawa ni Inay iyon? Kung hindi, bakit ganito ang nararamdaman ko?
Mataas na ang araw. Malamig ang hanging dumampi sa aking mga pisngi. Dinig ko ang lagaslas ng tubig sa agusan sa parang inaanod nito ang aking kaluluwa. Sa gitna ng mga napag-isip isip ko kanina, sa aking mga nahinuha ukol sa panghuhusga, nilunok ako nang sarili kong hiya.
Hindi ako makahinga. Hindi ako makatayo. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nilunod ako ng aking makasariling panghuhusga.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Monthly Archives
Tag Cloud
Who's Who
Latest Items
Most Popular
Piktyurs
Latest Comments
- Shayne Klarisse Eclarin: Thanks for this. I so...
- totheendsoftheearth: alright. i get it now....
- lobate: swerte naman nia.....
- buddy_13: bud, about this blog. Hmm.....
- bio: there's no such thing as...
Message Board
- engrape financier:
Just dropping by and say hello
- Silence!:
I’ve not spent a huge amount of time in Manila but I must say it’s an amazing place. Anyway, I just commented here because I’m researching blogs about Manila. and found your site through google. If you can share any ideas on things to try when in Manila then I’d appreciate hearing them
- Adik sa Anime:
hehe Hi poh napadaan lng poh sa blog mo.. am nag-uumpisa palng poh ako sa blog.. and gusto ko.. magbuuild ng frieds.. pwede po ba tayong mag exchange links?
- albert:
Happy Friendship Day
Best Friend
Ingat na lang lagi.
:)- bio:
ei vnvisit mo b blog ko? ha ha. nagssurvey ako, di kc mtrack kung cno pmpnta portal ko. ha ha
- bio:
ei, vinvsit mo ba blog ko? ha ha. nagssurvey ako, di ko kc mtract kung cno pmpunta portal ko. ha ha
- kulogatkidlat:
ginawang chat box ang blod ko hahahaha
- joebel:
hello skyracer
- joebel:
wla lang hehehe
- Jenn:
kuya, palink. . .
kabagZAulohniJENNIFER.blogspot.com
- buddy_13:
bud, ung plakard na blog mo.. dami ako itatanong..
- skyracer:
Hi hello nice blog!
- kulogatkidlat:
freak. anything.
- freak:
nkalimutan ko sbhin sayo to…
“Panalo ang SMB!”
hahahahahahaahahhapero, magling parin si mr. mvp in fair ..view.

ano theme ng posts mo? napapaisip 2loy ako.haha- donnalyn:
at saka palink aman kuya..haha
- donnalyn:
panu pala gumawa ng message board kuya?hehe.salamat!
- donnalyn:
galing..gusto ko ung si amy at ako..hehe..caught my attention..wehe..ganda..keep burning kuya..god bless.
sya nga pla bat ka kay jehova ka nagpra2y?ummmm?- donnalyn:
halu kuya..galing ng mga pinopost aa..hehe..
Idol..wehe..ummm…thanks for checking my errors kuya..haha..ERRors kunak lattan kuya..haha..sama namang pakinggan pag incorrect grammar..haha..I really admit na incorrect ung ASKED..haha..thanks kuya…- kulogatkidlat:
uno. kung sino ka man. salamat sa pagview. hehe. di nga sino ka?
- kulogatkidlat:
thanks po sa pagview



Thanks for this. I so can relate.
Posted by Shayne Klarisse Eclarin at October 13, 2009, 1:50 pm