KuloG at KidlaT

Quarter Moon

July 3, 2009

Quarter Moon. Tingin ko mahal na kita. Dati akala ko attraction lang. Pero ngayon parang nag-ebolb na sa totoong emosyon.

Kung sino si Quarter Moon– simple lang. Kung nag-aral kayo ng arts nung elem, ito ay binubuo ng mga linyang tuwid o linyang pakurba. Nagkakapareho sila sa kastilyo, apa, pusa at kape sa Amerika. Ito ay sumunod sa Swine Flu at dumating bago ang pinakamatanda sa Going Bulilit. Dami nang clue. 

 Basta. 

Quarter Moon. 

Posted by kulogatkidlat at 5:44 pm | permalink | comments[1]

Si Isko sa Purok Paraiso

Naramdaman ko ang panunuot ng sikat ng araw sa aking balat na kailan ma’y wala nang iiitim pa. Dati nama’y hindi ito ganito pero sa mundong ginagalawan ko, ang magkaroon ng isang simple at malinis na damit ay isa nang luho. Madalas akong walang t-syert kapag kumakayod. Sabi ng mga katropa ko, magsuot daw ako ng damit dahil mainit at makakakuha ka pa raw dito ng isang sakit sa balat. Sangborn ba iyon? Sangborn o Sambern. Basta sakit sa balat. Yun na yun. Pero sabi ko naman, sanayan lang yan.

 

Bumangon ako sa kinahigaan kong lumang kudson sa isang payak na silungan sa gitna ng purok Paraiso, ang lugar kung saan ako lumaki at nananahanan ngayon. Sabi nga nila, isang malaking kabalintuanaan ang pagtawag sa lugar namin ng ganoon. Sa kwento ng Lola Asyang kong limang taon nang dedbol na dahil daw sa mambabarang, sa Paraiso daw nanalagi ang mga sinaunang tao, si Adan, si Eba, at ang Taong Tabon. Matiwasay daw ang pamumuhay doon at lahat daw nang naisin mo ay makikita mo. Ayos pala. Maraming mga prutas na marahil ay inilalako ni Eba sa mga suki niyang anghel at mga hayop na ipinapastol noon ni Adan. Ang Taong Tabon naman. Napaisip ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaabalahan niya noon. Tagakatay marahil.

 

Sa Paraiso namang kinasasadlakan ng aking lahi ngayon, hindi mga bundok na tinatalukban ng mga punong kaimito ang makikita kundi mga kabundok na basura at kalat. Sa kanyang kalawakan, nahati ito sa dalawa, ang Gomahan at Minahan. Sa Gomahan, puro mga gulong ng mga sasakyan ang makikita. Sa Minahan kung saan nakatirik malapit ang munti naming bahay ng nanay ko, samu’t sari. Mga plastic, lumang damit, sapatos, telebisyon, batya, hanger, bag at kung anu-ano pa. Kaya tinawag na minahan, dahil doon madalas humahalukay ang mga magbabasurang tulad ko.

 

“Isko!”

Narinig ko ang maganda kong pangalan habang humihikab dala ng antok. Lumingon ako sa likuran.

 

(more…)

Posted by kulogatkidlat at 5:07 pm | permalink | Add comment

Bangkang Tsinelas

 

Nagising ako sa nanggagalaiting tahol ng dalawa naming itim na askal. Ngayon ko lang narinig ang mga iyon na tumahol ng ganoong kabangis. Bumuka nang bahagya ang aking kanang mata upang suriin ang paligid pero wala pa akong masyadong maino. Medyo maliwanag na pero hindi pa sapat upang makita mo nang malinaw ang lahat. Ang puno ng tsiko, ang dalawa naming kalabaw, ang kabuuan ng bakuran, wala namang nagbago nang huli ko iyong makita kahapon. Isa lang ang naramdaman kong nadagdag, ang malambot kong kumot na hindi ko naman kasama nang makatulog ako. Marahil ay dinala ni Nanang kagabi. Dito na ako sa labas naidlip kagabi buhat nang matapos ko ang pagkakamada ng ilang lupon ng tubo na pipigain ngayon para gawing suka. Hindi ako nasindak sa papataas na araw sa silangan at ang sunod-sunod na pagtilaok ng mga tandang sa paligid. Iisa lang ang mensaheng pinaparating. Dapat na akong bumangon. Pero dahil sa bulong nang aking kaluluwang hindi pa nakukuntento, nanatili pa rin akong taimtim na nakahiga sa aking munting papag.
(more…)

Posted by kulogatkidlat at 5:05 pm | permalink | comments[1]

Ang Katapusan ni Berto Junior

Nakita ko si Perla.

Sinundan ko.

Mabilis siyang naglakad, parang tumatakbo.

Tumingin siya sa kanan, luminga sa kaliwa.

Pinagpawisan marahil .

Paranoid ang dalaga.

Kalat ang bituin sa langit, maliwanag ang buwan

Malamig ang paligid, medyo mahangin, medyo madilim

Tumigil sa may masukal na damuhan

Parang crossbreed ng aswang at mambabarang

Luminga sa kanan, tumingin sa kaliwa

Hinihintay siguro ang anghel na sasalba sa kanya

Pagkuwa’y dumating si Berto

Mata’y papikit-pikit, lakad ay hindi diretso

“Lasing ka?” tanong ni Perla

“Obyus ba? “ sagot ng adik na si Berto

“Ano, kaya mo pa bang gawin?” tanong ng dalaga

“O’kamon. Ako pa?” sagot ng naduduwag na binata

Humiga si Perla sa gitna ng damuhan

Ang mga tipaklong at alibangbang ay nagsiliparan

Huminga ng malalim si Berto’t naluluha

Wala sa kagustuhan ang magkasala

“Mahal kita Perla, di ko kayang kumitil ng buhay” iyak niya.

“Ogag! Kung ayaw mo, ako na gagawa”

Paningin ni Berto’y nagdilim

Binulungan ng demonyo ang utak niyang singlabnaw ng Gin

 

Sa kailaliman ng malamig na gabi.

May nagkasalang adik.

May inang hindi nagsisisi.

Dapat sana’y may bata pang hihikbi.

 

 

Pasted from <file:///C:\Documents%20and%20Settings\Neil\My%20Documents\POETRY.doc>

 

Posted by kulogatkidlat at 5:01 pm | permalink | Add comment

Night Walkers

My eyes seemed not to care

About the stress that’s been wrecking ‘em

Too many tiresome nights

Made me a forced insomniac

And that the thrust of the lethargic brain

Has been defied by the gravity of work

 

Cannot be forever concealed

Behind lousy frames and deceitful glasses

An incomplete sign of labor weakness

But an evidence of dedication

Still up when all are down

Kept the world turning even at dark

 

For every drop of sweat

Is a penny that can change lives

And for every ache of the corporeal creation

Is a spirit relieved from hunger and thirst

Shouting for the purchase of eggs

Driving for the people up-late

Cleaning for the dirt of the hustlers

Comforting for the patient’s aid

 

It’s life beyond the lively

And Sacrifice beyond reality

Posted by kulogatkidlat at 4:54 pm | permalink | Add comment