Dalawang Istik ng Kalamares
June 22, 2009
Tila ipinahahayag na ng daigdig na ako’y may itim na balat sa puwit dahil sa kamalasang sumalubong sa akin ngayon. Lagi ko namang dinadala ang aking payong eh. Pero sa pagkakataong ito, nakaligtaan kong dalhin. At ngayon, heto ako, isang anak sa labas ni satanas, iginagala ang paningin sa mga aleng nakatulog sa dyip at nang madekwat ko ang kani-kanilang mga payong na nakalagay sa ilalim ng kanilang mga upuan. Napangiti ako saglit dahil sa katarantaduhang binabalak ko pero sa huli’y natigilan din. Ganito na lang ba ang buhay ko? Isang bente singko anyos na manggagantso, tambay sa kanto, at napagkakamalang adik? Napangiwi ako at napagdesisyunang magmuni-muni muna kesa alalahanin ang mga detalye sa buhay kong wala namang saysay. Isang buhay na nahubog ng kamangmangan at kawalang edukasyon.
Napatingin ako sa mga naglalakihang gusali na nadadaanan ng dyip. Diyan nananahanan ang mga mayayaman. Sila kadalasan yung mga nakasuot ng Amerikana lagi basta papasok sa trabaho daladala ang isang maliit na Samsonite, yung nakikita sa pelikulang sisidlan ng milyun-milyong perang ipantutubos sa mga nakidnap na bida. De-aircon siguro lahat ng opisina diyan kaya di nakapagtatakang kapuputi at kakikinis ng mga kutis ng mga nagtatrabaho. Napalunok na lang ako sa inggit habang iniisip ang laki ng pagkakaiba sa pinagtatrabahuan kong junkshop sa isang purok sa Commonwealth. Ayun. Tumpak. Resulta ng katamaran ko. Hindi na nga ako masyadong nakapag-aral, wala pa ring kapangapangarap hanggang ngayon. Ewan ko ba. Naniniwala na lang akong kung para sayo ang suwerte, iyo talaga, pero kung hindi, kahit ikaw pa ang pinakamatalinong tao sa mundo ay hindi talaga para sa iyo.
Sana pala mula pa noong elementary eh nagsigasig na ako. Buhay nga naman.
Lagi nga akong napapagalitan noon. Pagpasok kasi ng titser sa klasrum namin dati, parang subastahan na ng mga manok na nagsasabong ang lagay naming mga estudyante niya. May nagsasabunutan, may nagsisipaan sa mukha, may nagbabatuhan ng mga binilog na papel at kulangot, may nagduduraan at nagkakalmutan at lahat na ng klase ng mga madudugong labanan ng mga bata. Kadalasang nagsisimula ang kaguluhan sa amin ni Bugoy, ang laging nambubwisit sa araw ko. Pagbintangan ba naman akong nagnakaw minsan ng bago at kabibiling mga lapis niya. Mahiya naman siya. Yung bolpen lang naman ang kinuha ko, bakit pati lapis dinadamay? Kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili noon. Dahil madami naman akong kaberks, sila ang sumugod sa mga demonyito ni Bugoy. Parang isang eksena sa Cabal at sa Dota, ubusan ng lahi, matira matibay.
Nung una ay nanlalamang sila. Tumba na ang tatlong kampon ko samantalang si Bugoy, may dalawa pa siya. Doon ko na inilabas ang nag-iisang alas ko na siyang naging dahilan ng aming tagumpay. Ang natira…
Si Kobi-Basang-labi.
Walang gustong lumapit sa kanya kasi naglalaway siya minu-minuto.
“Kapag di pa kayo sumuko, duduraan ko kayo!” sigaw ni Kobi. Walang anu-ano ay tumakbo palabas ang dalawa. Kaya hanggang ngayon, malaki pa rin ang utang ng loob ko sa kanya. Balita ko maganda ang trabaho niya ngayon. Taga-seal ng mga nabuksang sobre sa post opis. Napalunok ako nang malaman ko iyon. Siguro naman kahit gawgaw manlang ang ginagamit niyang pandikit at hindi yung madikit niyang laway.
Nagulat ako nang biglang napatingin sa akin ang katabi kong batang nakauniporme. Siguro iniisip niyang nasisiraan na ako ng bait dahil sa paghagikgik ko. Sinuri pa niya kung may kasama ako o kakilala sa loob ng dyip at nang makita niyang wala, napatahimik na lang siya. May bitbit siyang libro na kulay berde nakasulat ay Philippines: Cradle of Remarkable Heritage. Alam kong basahin yung Pilipins at of pero yung mga sumunod na salita, di ko na pinansin. Mukhang maganda ang nakasulat diyan. Dito siguro mababasa ang mga kinukwento ni Lolo tungkol sa mga pinatay ni Hitler sa Bagumbayan at ang matinding barilan sa gitna nina Magellan at Lapu-lapu. Nakadama ako ng kaunting inggit sa batang ito. Buti pa siya, siguro marami itong alam sa mga bagay-bagay. Magiging malago at maganda ang kinabukasan niya. Isang buntong-hininga nanaman ang napakawalan ko.
Naalala ko pa noong nasa Greyd por ako. Lagi akong nagpapaalam kay Itay at Inay na mag-aaral sa bahay ng kaibigan kong si Bogart. Bago lumabas ng bahay, sinisigurado ko munang mapapansin nila ang librong hawakhawak ko para mapatunayang talagang mag-aaral nga kami. Binibigyan pa ako ni Itay ng tatlong piso pambili ng palamig pagkatapos mag-aral at pinapaalalahanang umuwi ako bago mag-alas siyete ng gabi. Buong paggalang naman akong nagmamano bago umalis. Pero pagdating sa kanto, lalabas na ang nahasang mga sungay ko. Lusot lahat ang mga pisong binigay nila sa bidyokarera. Minsan nananalo, pero kadalasang talo. Bago ako uli pumasok sa bahay ay nagbabasa muna ako at nagsasaulo kahit isang linya lang mula sa libro at saka magaala-anghel sa harap ng hapagkainan.
“Ano ang natutunan mo kanina anak?” naalala ko pang itinanong ng Inay dati.
“Ah eh. Nabasa ko po, Berbs ar aksiyon words” sagot ko naman.
“Anong ibig sabihin non?” tanong ni Itay.
“Ang Berbs daw po, mga ibon po yon, puno daw po sila nang aksyon. Parang buhay, minsan nasa taas tayo, minsan nasa ibaba. Yun po” sabi ko na para bang iskolar ang dating. Pasok. Lumusot ako.
“Ang galing talaga ng anak ko!” tuwang sinabi ni Inay habang pinuno niya nang kanin ang plato ko.
Mula nung gabing iyon, hindi na ako makatulog nang mahimbing. Binubulabog na ako ng kunsensya ko pero hindi ko parin sinusunod ang dapat. Ewan ko ba. Pinaglihi siguro ako sa mga nuno sa punso, mga tiyanak, mga demonyo at lahat ng mga masasamang nilalang.
Kapag naman eksaminasyon namin nung greyd, umaasa na lang ako sa kolektibong mga sagot ng mga katabi ko. Si Bogart sa harap, si Antonina sa kaliwa, si Basyang sa kanan. Mapagbigay si Bogart at si Antonina ay nasusuhulan ng kahit tootsie roll lang, walang problema sa kanila. Ngunit si Basyang, ang dakilang sekon onor namin, kakailanganin pang humiwalay ng kanang mata mo bago mo makita ang mga maliliit niyang sagot. Nahirapan ako nung una pero habang tumagal, nakuha ko na rin ang tamang teknik—upuan ang dalawang libro at malinaw mong makikita ang sagot wan hanggang payb, isa pang libro’y silip mo ang ten hanggang piptin. Hanggang doon na lamang iyon. Isa pang libro, ikaw naman ang masisilip ni Ginang Maruya na laging nakahawak ng magasin kapag nagpapaeksam siya. Ako din ang malilintikan kaya makuntento na lamang sa kaunti kesa sa boljak. Nakapagtapos naman ako sa elementarya pero hindi ko naramdaman ang tuwang naramdaman ng aking mga magulang nung dumalo sila sa gradweysiyon ko. Marami silang hindi alam. Ako naman, nagtapos sa elementary na walang alam.
Nung hayskul na ako, alam kong hindi na uubra ang mga teknik na kinasanayan ko. Kung di ako magbabasa, batid kong matulis pa sa palakol ang mga magiging grado ko. Nagsipag naman ako nung una pero naunahan agad ako ng bisyo.
Pers yir pa lang, sunog na ang baga ko. Sekond yir naman, nadamay na ang Atay ko.
“Yosi ka dudes?” tanong ng terd yir naming kabarkada dati.
“Oo dudes, isa lang.” sabi ko sabay hiram ng layter. Naalala ko pa, habang sinisindihan ko yung yosi ko, dumaan si Giovani Calvin Macabebe, kaklase kong kaarte ang pangalan.
“Hoy Enrique, ala una na. Pasok na tayo!” aniya.
“ Sabihin mo sa titser, sumakit ang tiyan ko at nagsususuka ako. Di ako papasok” sagot ko.
“Pero hindi naman tama na—”
“Aangal ka?” pabigla kong sinabi saka ko siya itinulak. Siguro kung magkikita kami ngayong malalaki na kami, hindi ko siya kakayaning harapin. Mahihiya ako nang todo. Balita ko mayaman na daw ngayon si Macabebe, manager ng isang restawran sa Pasay. Nurse na rin daw si Antonina at nakaasawa na daw ng negosyanteng Hapon si Basyang. Kasuwerte naman nila.
Sa pag-iisip ko sa mga bagay bagay na iyon, lalo akong nanliit sa sarili ko. Sila may naabot na sa buhay, ako heto parin. Nagbago na yata ang lahat ng bagay, buhay ko na lang at presyo ng pagpapaxerox ang hindi nagbabago. Ayaw ko mang aminin pero alam kong nagkulang ako at sa huli’y sa akin din patungo ang lahat ng sisi. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, dito na ako nasadlak.
“Oh, Dahlia, Caltex” sigaw ng mamang drayber.
Pumutok ang mga bula nang pagmumuni-muni sa utak ko. Dito na pala ako bababa. Pagkatapos kong makuha ang sukli ko, tinungo ko na ang daan pauwi. Bago ko tinahak ang eskinita papaloob sa barumbarong namin, bumili muna ako ng dalawang tusok nang kalamares sa may kanto pampasalubong sa bahay.
Hapon na. Sana nakapagluto na sila bahay kasi medyo gutom na rin ako. Yun kung nagkasya pa yung rasyon naming ng pagkain na binili ko pa noong nakaraang linggo. Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin, gaya ng nadadatnan ko palagi, naglalaro nanaman ang mga anak ko sa harap ng kapitbahay. Si Clinton, panganay ko, naghoholen kasama ang kambal pa niyang kapatid na sina Bolex at Boljack, at ang dalawa pang babae kong anak na nag-aagawan ng manika sina Prisila at Kriselda. At sa bandang bintana namin, nakatanaw ang aking napakabait pero bungangerang maybahay, si Lotlot, na dinadala ang aking bunso ngayon.
Napabuntong hininga ako at napatitig na lang ako sa dala kong dalawang stik ng kalamares.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
Monthly Archives
Tag Cloud
Who's Who
Latest Items
Most Popular
Piktyurs
Latest Comments
- Shayne Klarisse Eclarin: Thanks for this. I so...
- totheendsoftheearth: alright. i get it now....
- lobate: swerte naman nia.....
- buddy_13: bud, about this blog. Hmm.....
- bio: there's no such thing as...
Message Board
- engrape financier:
Just dropping by and say hello
- Silence!:
I’ve not spent a huge amount of time in Manila but I must say it’s an amazing place. Anyway, I just commented here because I’m researching blogs about Manila. and found your site through google. If you can share any ideas on things to try when in Manila then I’d appreciate hearing them
- Adik sa Anime:
hehe Hi poh napadaan lng poh sa blog mo.. am nag-uumpisa palng poh ako sa blog.. and gusto ko.. magbuuild ng frieds.. pwede po ba tayong mag exchange links?
- albert:
Happy Friendship Day
Best Friend
Ingat na lang lagi.
:)- bio:
ei vnvisit mo b blog ko? ha ha. nagssurvey ako, di kc mtrack kung cno pmpnta portal ko. ha ha
- bio:
ei, vinvsit mo ba blog ko? ha ha. nagssurvey ako, di ko kc mtract kung cno pmpunta portal ko. ha ha
- kulogatkidlat:
ginawang chat box ang blod ko hahahaha
- joebel:
hello skyracer
- joebel:
wla lang hehehe
- Jenn:
kuya, palink. . .
kabagZAulohniJENNIFER.blogspot.com
- buddy_13:
bud, ung plakard na blog mo.. dami ako itatanong..
- skyracer:
Hi hello nice blog!
- kulogatkidlat:
freak. anything.
- freak:
nkalimutan ko sbhin sayo to…
“Panalo ang SMB!”
hahahahahahaahahhapero, magling parin si mr. mvp in fair ..view.

ano theme ng posts mo? napapaisip 2loy ako.haha- donnalyn:
at saka palink aman kuya..haha
- donnalyn:
panu pala gumawa ng message board kuya?hehe.salamat!
- donnalyn:
galing..gusto ko ung si amy at ako..hehe..caught my attention..wehe..ganda..keep burning kuya..god bless.
sya nga pla bat ka kay jehova ka nagpra2y?ummmm?- donnalyn:
halu kuya..galing ng mga pinopost aa..hehe..
Idol..wehe..ummm…thanks for checking my errors kuya..haha..ERRors kunak lattan kuya..haha..sama namang pakinggan pag incorrect grammar..haha..I really admit na incorrect ung ASKED..haha..thanks kuya…- kulogatkidlat:
uno. kung sino ka man. salamat sa pagview. hehe. di nga sino ka?
- kulogatkidlat:
thanks po sa pagview


