KuloG at KidlaT

Nang magCHAT kami ni "A"

April 25, 2009

Classmate ko si A nung highschool. Kulot ang buhok niya. Minsan mahaba, minsan maikli. Mas type ko yung mahaba sa totoo lang. Hmm. HIndi siya yung tipong sinasali sa mga sarisaring mutya o lakambini ng mga bayan-bayan pero para sa akin, maganda siya datii. Hindi naman sa hindi ko na siya ginaganda ngayon pero siyempre nagbabago din naman ang panlasa (what a term, anu siya tokneneng? haha)  ng isang tao. Nagkachat kami kani-kanina lang mula sa dalawang computer shop na ilang lakad lang ang layo. At nagulat ako sa mga kabulastugan niya. haha.  Bottomline: siya ang naging unang babaeng naging laman ng utak ko nung HS  (Wala na akong pake kung nababasa niya to ngayon haha). Basta. Gusto ko siya dati pero hindi naging ganun katapang na umamin kahit halatong-halatado na. HIndi naging kami pero posible siguro kung isa sa amin ang bumigay ng tuwiran. 

First Year (Prodromal Phase)

Tabatchoy ako nun. Kalbo ang buhok. Parang buhay na siopao. HIndi malaman kung saan bibili ng pantalon dahil sa lapad ng taba na nasa tiyan. What do you expect? Magugustuhan kaya niya ako?

Second Year (Belittled Phase)

Nagka BF siya yata dito ng taga private school. nakow (nu naman ang laban ko e public lang ako) Tapos may gusto siya yata dito na taga ibang section. Haha. ako naman, kahit nanliliit sa sarili, wla paring ginagawa.

Third Year (Eruptive Phase)

Maselan ang mga nangyari dito.  Bumili ako ng sim card at  tinext ko siya, nagpakilalang Jazz Nickolai (Kaarte ng pangalan). Naging regular textmates hanggang mabaitan si A sa akin at pinagkatiwala na ang mga bagay-bagay sa buhay niya. BEfore I knew it, may nakapagsabi sa kanya na ako yun. Ayun, hindi nag-attend ng subject namin after lunch at uminom ng redhorse. Nagkulong sa CR, Umiiyak. Ako naman, first time kong makapasok sa girls CR. Sinundan ko siya at ini-lock ang pintuan kahit sangkaterbang mga babae ang nakapila para mag wewes. (oha). Akalain mo. haha. Tapos nagpaliwanag. Humingi ng tawad. 

Tapos tapos (atat lang). 

Ayun. Nagkaayos din kami. Tapos nung JS prom naman…

(Pasensya na. Sa amin lang to.) Fast forward.

Fourth Year (Convalescent Phase)

Okey na kami. Naintindihan na namin ang sitwasyon. Hindi talaga magiging kami (o ako lang yata ang may notion nun). Kagrupo ko siya ng Research at mas nagkakasama kami dahil nga sa paggawa ng Investigatory Project. Nanalo kami sa Division pero hindi siya nakapagdefend kasi tatlo lang ang kailangan nila. Nagkaroon lang ng tatlong medal e apat kami sa group. BInigay ko parin sa kanya yung akin sa sobrang pagmamahal ko.. 

sa grupo ko.. haha.

Ayun nga. After a short history, eto na nung nagkachat kami kanina. Ang hirap magreply sa kanya. parang natutulala ako sa mga sinasabi niya. hehe

Scene 1

Anne: Asan ka?

Ako: mart 1. Ikaw?

Anne: hndi ko sasabihin. baka pagtaguan mo ako. 

Ako: bakit naman kita pagtataguan?

Anne: Aynaku. Ayaw mo nanaman makipagkita sa akin. 

(caught me off guard haha)

Scene 2

 Ako: Bakit ba kasi atat na atat kang makita ako? dapat talaga kitang taguan. 

A: Bakit? masama bang mamiss kita?

(Nakow. Naloko na) 

Scene 3

Ako: ano namang naisipan mo at nagnet ka?

A: nagsend lang ako ng SMS sa BF ko. ala ako load e. 

(caught me off guard again)

Scene 4

A: musta na?

Ako: Okey lang. 

A: May pa JN JN  (Jazz Nickolai)  ka pang nalalaman. haha

(Nag-isip ng itatype)

Ako: Ha? Sinu yun? (Nagmaang-maangan ang loko)

Scene 5

A: Bakit wala kang girlfriend?

Ako: ( hindi alam ang sasabihin) 

Ako: May mga rason ka ba kung bakit mas nakabubuti ang pagkakaroon ng girlfriend kesa sa hindi pagkakaroon nito ?

A: Easy ka lang. Wala na akong masabi.  (o nga naman, haha) 

 

 Ayan ang mga nangyari.

Manahimik na tayong dalawa A.

Past is past. heaha. 


 

Posted by kulogatkidlat at 3:16 pm | permalink

Previous Comments

ui kilala ku si “A”
ahaha…

sup NONG??

Posted by dolly at June 8, 2009, 4:38 pm

First love never dies… Remember!!! :p

Posted by ReEn at July 5, 2009, 6:56 pm

umm..haha…naiinlove ka din pala kuya..haha..
kala ko kumakain ka ng bOks..wehe

Posted by Donna at July 16, 2009, 10:49 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment