KuloG at KidlaT

Nang magCHAT kami ni "A"

April 25, 2009

Classmate ko si A nung highschool. Kulot ang buhok niya. Minsan mahaba, minsan maikli. Mas type ko yung mahaba sa totoo lang. Hmm. HIndi siya yung tipong sinasali sa mga sarisaring mutya o lakambini ng mga bayan-bayan pero para sa akin, maganda siya datii. Hindi naman sa hindi ko na siya ginaganda ngayon pero siyempre nagbabago din naman ang panlasa (what a term, anu siya tokneneng? haha)  ng isang tao. Nagkachat kami kani-kanina lang mula sa dalawang computer shop na ilang lakad lang ang layo. At nagulat ako sa mga kabulastugan niya. haha.  Bottomline: siya ang naging unang babaeng naging laman ng utak ko nung HS  (Wala na akong pake kung nababasa niya to ngayon haha). Basta. Gusto ko siya dati pero hindi naging ganun katapang na umamin kahit halatong-halatado na. HIndi naging kami pero posible siguro kung isa sa amin ang bumigay ng tuwiran. 

First Year (Prodromal Phase)

Tabatchoy ako nun. Kalbo ang buhok. Parang buhay na siopao. HIndi malaman kung saan bibili ng pantalon dahil sa lapad ng taba na nasa tiyan. What do you expect? Magugustuhan kaya niya ako?
(more…)

Posted by kulogatkidlat at 3:16 pm | permalink | comments[3]