KuloG at KidlaT

The girl in my picture frame

April 24, 2009

Tatlong taon na ang nakakaraan pero hindi ko pa rin magawang itapon ang picture nyang nakalagay parin sa hugis snow-flake na photo stand sa bahay. HIndi na kami. Wala na kaming commuication sa isat isa pero para kasing anlaki ng mawawala sa akin kapag tinaggal ko nga yung pic dun.  Araw-araw, kapag mapapadaan ako sa helera ng mga photo stands sa kwarto ko, bumabalik parin ako sa kusina para kumuha ng basahan at punasan ang alikabok na naipon sa glass part ng frame. Parang tanga e. Siya na nga mismo ang nagsabi na wag na akong magtetext or e-mail sa kanya ng mga bagay na wala naman siyang pakialam. Kahit simpleng hello lang or any greeting. Oh di ba? isa itong makatuwirang uri ng kamartiran. But what could I do if she really made a different kind of appreciation in my heart. Tsk tsk. Nagmove on na ako, NAMAN. Tatlong taon na ang nakalipas. May gusto na nga akong bago ngayon eh. Tsk. Dalawa sila pero sinaraduhan ako ng isa. Haha.


Kapag naman nakaupo ako sa kama ko at napapatitig doon sa puting photo stand na yun, napapangiti ako. Medyo bata bata pa kasi siya nun. Chubby but sweet. …. Sweet– wata word . (Tawagan namin dati). And it hurts sometimes when I kinda remember what she told me once– that my history doesnt include her. In the easiest comprehensive sense, parang hindi naging kami. F^ck. (And now it chills me to the bone) 

Di bigla akong mapapapikit o iiiwas ang tingin tungo sa ibang bagay habang binubulyawan ako ng ma-pride kong EGO.”Itapon mo na kasi ulol. Kung wala na diyan yan sa piktyur preym na yan e di ang laking ginhawa mo”. 

 Oo nga naman. 

Pero hindi e. Buti naman sana kung pati long term memory ko e binura na rin ni God. I’d surely remember her a couple of times in the future and that photo would definitely aid the stimulation of my memory. At hindi ko naman siya gustong kalimutan eh. I wanna keep her in a bright abyss inside my head. I wanna remember her in a delicate, positive way. 

Isa pa, forgetting her would requires me some effort because we do have a lot of things in common. Kapag pinapanood ko ulit yung mga paborito kong movies (The Notebook,  A.W.T.R)  at mga kantang nasa isang special playlist ng ipod ko (Hey there Delilah), naaalala ko uli siya pati ang retainer niya at mga ala-ala naming nagdaan (ukininis nagkurni). Ngem agpayso. ( But it’s true). 

Kaya di ko nanaman alam kung anong gagawin ko.

It all boils down to one thing. 

Siguro hahayaan ko na lang doon yun. 

 

Posted by kulogatkidlat at 3:19 pm | permalink

Previous Comments

wow. mayat mayat :D i know her. hehe

Posted by mamharge at April 27, 2009, 11:21 pm

pre d ka pa ata tlg nakamoveon eh..hehehe

pero aprub ang cute ng artik mo..knilig nga ako eh..it gave chills to my bone…hehehe

naalala ko tloy ex ko..d prin ata ako nakmoveon(like krezei) hehehehe.. blog hop lng me..pa x-link po tnx

Posted by shinichi kiddo at June 10, 2009, 10:22 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment