KuloG at KidlaT

Plakard

April 21, 2009

 

               Ilang minuto na ang lumipas. Nasa harapan parin ako ng salamin. Napako na ang aking isipan sa mga bagay bagay na sadyang gumugulo sa akin. Ubos na ang aking allowance. Wala na rin akong pangmatrikula. Wala na akong ibang mahihingan sapagkat matagal na akong itinakwil ng aking mga magulang. Suwail man ako, may mga pangarap din naman. Hindi lang nila talaga ako maintindihan. Nautangan ko na rin ang lahat ng pwede kong mautangan, mga katropa, mga kapitbahay, mga kagawad lahat.

 

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid at baka may mahagilap akong pwede pang lumanding sa pawnshop kahit na hindi ko na matubos mairaos lang ang pangangailangan ko ngayong linggo na to. Napakamot lang ako ng wala akong nakita ni isa. Kasasanla ko lang pala sa Rolex na regalo sakin ng isang kaibigan noon.

 
(more…)

Posted by kulogatkidlat at 5:16 pm | permalink | comments[1]

Seatmate

 

 

 

And here we are again..

At this point of time,

 Our tongues would’ve already been twisted

 No O’s and no A’s

 And there would be deafening silence..

 

With a slim empty line between us,

 It’s as if we’re still a thousand miles apart

 The tranquility’s awkward,

 And so I would break it up

 But you’d want me to stop


(more…)

Posted by kulogatkidlat at 4:56 pm | permalink | comments[1]

Best op Prends


Itinapon ko na ang natirang upos ng sigarilyo matapos ang isang malalim na hithit. Naramdaman ko ang nakarerelaks sa init ng usok sa magkabilang baga ko at hinayaan ko munang kumalat ang init sa aking katawan bago tuwirang pinakawalan ang kulay abong hanging nagpapagaan sa loob ko. Matagal na akong kinukumbinsi ni Itay na itigil na ang paniningarilyo dahil sadyang wala naman daw itong naidudulot na mabuti. Oo nga naman, perwisyo. Kahit wampipti  isang stick, pambentsin na yun ni Inay sa karinderya niya.  Sinibukan ko naman itong itigil e. Sa katunayan, magtatatlong buwan na akong hindi nagyoyosi. Pero nabali ang aking magandang rekord ngayon ngayon lang. Lintek.

 

Sa kabila nang init na binigay ng pagyosi, may parang nginig parin ang katawan ko. Mahangin e. Katatapos umulan. Nak nang put^. Kung bakit ba naman kasi umulan pa e kasagsagan ng summer. Napabuntong-hininga ako sabay silip sa aking pasira nang relo.  Alas onse kwarenta. Perpek. Maglilitanya nanaman si Inay. At dahil wala na sa plano ko ang mapagalitan ng mas malala, dinalian ko na ang paglalakad.

 

Madulas ang mga eskinita na tila wala nang lulusutan dahil sa dilim. Ang mga ilaw ng baranggay ay pundido mula pa nung pasko at sadyang wala na yatang plano ang mga kagawad na palitan ang mga yun. Nang makita ko ang lugar-igiban ng purok, minarapat kong magmumog muna para lunurin ang sangsang ng sigarilyo sa aking mga gilagid. Ayos.  Binombahan ko ang poso ng kaunti at saka ako yumuko sa harap nito’t hinayaang maipon ang umaagos na tubig sa aking naghihintay na bunganga. Pinakulo ko ang tubig sa loob at saka iniluwa pagkatapos. Sumilip ako ulit sa relo ko na kita naman kahit papaano sa gitna ng kadiliman dito sa Purok Araruhan. Alas onse kwarenta y kwatro.

 

Dineretso ko na ang huling eskinita at saka lumiko sa kanan. Kita ko na ang bahay pero himala, patay ang ilaw  sa sala. Napatayo ako mga sampung metro mula  sa pintuan.  Pati ang kwarto nila Inay sa taas ay hindi rin nakasindi. Napangisi  ako. Tingnan mo nga naman ang sinuswerte. Its my day.


Pagtapak ko’y umalingawngaw ang mga batya ni Inay sa labas dahil sa naghahabulang pusa.


“Letseng mga pus–”  Natigilan ako nang mapansing kong may taong lumalapit mula sa punong mangga.  Yun na. Lintek. Hindi na umubra ang salitang “pamilyar” sa sitwasyon.. Kahit anino lang at karampot na liwanag ang bumalot sa mukha niya’y alam kong siya iyon at sa aking direksyon nakatingin ngayon.


(more…)

Posted by kulogatkidlat at 4:38 pm | permalink | Add comment