"Goodbyes always wound us" - LTG
July 5, 2009
Habang nakaupo ako sa sofa kaninang umaga’t nagkakape, binuklat ko ang naglalakihang mga pahina ng The Philippine Star, yung issue ngayon (July 5, 2009). As usual, maraming patayan, bumalik na sa mga projects niya si Katrina Halili, baka makagawa daw ng world record si Federer, pobre daw ang Pinas dahil walang maraming stock ng Flu vaccine at iba pa. But I saw this article written by the famous Lucy Toress-Gomez which really has captured my profound interest. Anlungkot ng article but I learned something. The title itself was the lesson. – “Goodbyes always wound us”
It started this way:
” So much sadness, this month of June. I attended so far too many wakes, I came to know of too many deaths, of both people I know and know of. I am shaken and my emotions are as jiggly as Jell-O. There is this fragility that seems to have washed over the world in my eyes, and all is just tender, fleeting, at first near but then so suddenly hazy and distant, somewhat lonely.”
Sa mga nagsasabing madali
Hindi madali ang nursing. Nararapat gilitan ng leeg yung mga nagsasabing sisiw lang ito at hindi pinaghihirapan. Kung sa lectures, bugbog sarado ka na at laging nag-aalala sa kalalabasan ng iyong quizzes, how much more sa mga hospital duty na hands-on na talaga ang praktis. Yung tipong naiignorante ka’t parang hindi ka makagalaw nang mabuti kahit alam mo yung theoretical basis ng mga procedures. Ang daling sabihing, “Inform the patient about the procedure”. Pero pag nasa harap mo na yung pasyente’t namumuti na sa nerbyos, di ka din ba nenerbiyosin? Opkors. Kaya may tsans na hindi mo na din maiinform yung pasyente at basta basta mo na lang gagawin.
Pero para sa akin, masarap magduty sa ospital, bigtime man o sa rural health unit lang. Bukod sa naprapraktis mo ang mga kasanayang dapat mong matutunan, makakaranas ka pa ng mga experiences na swerte mo’t propesyon mo lang ang nakagagawa bukod sa pagdodoktor. Ikaw ba naman ang makaexperience na makita ang mga laman loob ng mga taong ooperahan na dati’y sa libro mo lang nakikita, o kung paano titigil ang oras at ang ikot ng mundo kapag ma’y dumapo sa sterile area ng operating room kahit isang butil ng pawis lang. Ikaw ba naman ang makaexperience na punasan ang mga malansang likido sa katawan ng isang sanggol na kalalabas lang sa sinapupunan ng kanyang lupaypay nang ina at makarinig ng unang salita niyang “Chorva!”. O diba? Bihira lang dumaan ang ganitong karanasan sa mga ordinaryong tao. Kailangan mong maging student nurse para pagdaanan ang mga ‘to.
Kung may mga pribilihiyo, opkors, may mga pangit ding karanasan. Minsan, napapagalitan ka sa maling ginagawa mo,minsan nababato ka ng mga gunting o clamp sa operating room, nasisigawan ka ng doktor, napapahiya ka sa pasyente, pinapasukat sayo ang tae and ihi ng mga inaalagaan mo at iba pa. Well, parte yan ng treyning kahit pa gano kasama iyan. Idala niyo sa akin yung mga nurses na kahit minsan sa buhay nila ay di sila napahiya o napagalitan sa loob ng hospital. Kung meron, babayaran ko ng isang milyon ang makapagdadala nito’t puputulin ko pate ang aking testes. Deal? Okey. Maghihintay ako.
Mahirap maging student nurse. Mahirap mag-duty. Pero alang alang sa mga pamilyang umaasa, mga anak na umiiyak, mga dyowang naghihintay, lahat pinagdadaanan makapasa lang sa board exam.
Si Amy at Ako (based from a true story)
Pangatlong araw na ng duty ko sa surgical ward. Naiinis parin ako dahil hindi sa special area ako nadeploy. C’mon. Kelangan namin ng cases para makatake ng board. Ni wala pa ngang nakakakumpleto sa grupo namin eh tapos sa ward lang kami ilalagay? Nako.
Wala naman akong masyadong ginagawa ngayon. Nakabigay na ako ng pang-alas otso kong gamot. Ascorbic Acid at Cefoxitine. Next dose e alas dies na. Di naman masyadong toxic yung pasyente ko actually dahil puwede na siyang umuwi pero hindi parin nadidischarge. Wala pa yatang sapat na pera pambayad sa hospital bills. Dahil sa pagkabagot, umupo na lang ako kasama ng mga kaduty kong student nurses sa isang bakanteng kuwarto. Kundi kami nagtatanungan ng mga nursing facts e nagbabasa kami ng mga rebyuwer. Umupo ako sa pangatlong kama.
Dahil wala akong magawa,iginala ko na lamang ang aking paningin sa mga bagay bagay sa loob ng kuwarto. Wala lang. Wala ngang magawa e.
Bigla akong napatigin sa isa kong dutymate. Di ko sila kaklase kaya medyo hindi pa kami ganoong magkakalilala kahit nagkakausap kami minsan sa duty. Maganda si Amy, hindi maikakaila iyon. Maputi at medyo singkit. Madali sigurong mainlab ang isang lalaki sa kanya. Minsan tahimik siya, minsan bubbly. Pero napapansin ko na kung tumatawa siya, may parang lungkot na babalot sa mukha niya pagkatapos. Parang pinipilit lang niyang tumawa minsan. Ewan ko. Baka naman talaga ganoon ang usual reaction formation niya. Hindi ko nga siya masyadong kilala e. Pero dahil sa kaklase ko noong first year si Fe, yung isa sa mga kakilala niya na kaduty din namin, lumapit ako sa kanya.Talagang hindi ako papatahimikin ng imahinasyon ko kapag di ako nagtanong. Curiosity nga eh.
“Fe, puwede magtanong?” salubong ko sabay tabi sa kaklase ko dati.
“O, anu yun?” tanong din niya.
“Close ba kayo ni Amy?”
“Oo. Barkada ko yan high school pa lang.”
“I see. Bakit parang puyat siya lagi? Singkit ba talaga?”
“Medyo pero ganun yung mata niya ngayon dahil siguro sa kaiiyak.”
” Ah. Malungkutin ba talaga siya?”
“Hindi naman. Ngayon ngayon nga lang.”
“Ow. Bakit naman daw?”
Natigilan si Fe. Parang hindi niya alam ang isasagot niya.
“Ah eh. Kasi kelan lang, namatay yung boyfriend niya.” marahan niyang sinabi.
Nagulat ako’t biglang napatingin kay Amy. Nakikipagkuwentuhan siya sa mga kaklase niya pero bakas pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Kaya pala parang may pagkakapareho ang mukha niya tumatawa man o hindi. Maskara ng lungkot. Napailing ako.
Nagulat naman ang lahat ng may makapagsabing nagra-rounds daw ngayon sa hospital ang Chief Nurse. Siyempre magagalit yun kapag makikita niyang walang masyadong ginagawa ang mga student nurses dito. Yung iba, pumunta sa mga pasyente nila lalo na yung mga toxic at hagard. Pero kaming mga May Go Home na ang mga pasyenteng hawak eh pumunta malapit sa nurses station para maghintay kung may ipapagawa ang mga staff on duty. Habang nag-aabang ng mga gagawin, nagkaroon ako ng pagkakataong makausap si Amy
“Amy, my condolences.” nabanggit ko.
“Ah. Thank you.” seryoso niyang sinabi.
Doon na niya naikwento ang lahat. Pauwi daw ang kanyang boyfriend noon isang gabi kasama ang mga kabarkada. Siya dapat yata yung magmamaneho ng XRM pero hindi nasunod. Siya yung nasa gitna. Nang tahakin nila ang isang pakurbang daan, hindi ito nailiko ng nagmamaneho at nagpatakbo ng dirediretso. Nasugatan lahat sila. Ang masama dito, siya ang napuruhan. Yung nasa likod galos lang. Yung nasa harap, bali lang. Pero siya, siya daw ang nadali. Sapagsasalita niya ay talagang miss na niya ito at mahal na mahal. Naiiyak siya habang nagkukuwento pero wala ni isang luhang lumalabas. Malamang baka nailabas na niya lahat ng luha niya. Naaawa ako sa kanya. Sobra. Kung may magagawa lang sana ako.
Pagkatapos nun, pinakita niya sa akin yung mga pictures ng kanyang boyfriend na lagi niyang dinadala. Matangkad naman yung lalake. Kayumanggi. Swerte siya kay Amy. Yun nga lang, napaaga ang departure.
Habang tinitingnan ko yung mga pictures, napakanta siya ng isang kanta.
“Kung tayo ay matanda na.. Sana’y di tayo magbago…”
Napatingin ako sa kanya at ang kaibigan niyang kumakanta din.
“Yun ba ang themesong niyo?” tanong ko.
“Oo., Lagi naming kinakanta yun. Nagpromise nga ako sa kanya noon na isang araw, kakantahin ko nang buo yun sa kanya. Pero di ko pa nagagawa, namatay na siya. Hanggang ngayon nga e di ko pa alam yung lyrics niyang buo.” sagot ni Amy.
Nakaramdam ako ng konting kirot. Di ko maipaliwanag pero parang dama ko din kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. Sobra naman akong naantig. Naisip ko, may Internet settings ako sa phone ko kaya ang ginawa ko, palihim akong nagbrowse at hinanap ang lyrics ng kantang iyon ng APO hiking society. Ayun nahanap ko.
“Eto Amy oh. Kopyahin mo na lang” inalok ko.
“Uy, thank you! Sobrang thank you” masaya niyang sinabi habang buong sabik niyang kinuha ang phone ko at kinopya ang lyrics. Kahit papaano’y napasaya ko siya kahit sandali.
Mahirap ang pinagdadaanan niya, sigurado yan. Ikaw ba naman ang iwanan ng isang importanteng tao sa iyong buhay na kahit anong gawin mo’y, may kasiguraduhan nang hinding hindi na babalik. Marami din akong natutunan kay Amy. Marami akong narealize. Ipinagdasal ko nung gabi ding iyon bago ako matulog, na sana bigyan siya ni Jehovah ng sapat na lakas para makapag-move on.
God Bless you Amy.
Quarter Moon
July 3, 2009Quarter Moon. Tingin ko mahal na kita. Dati akala ko attraction lang. Pero ngayon parang nag-ebolb na sa totoong emosyon.
Kung sino si Quarter Moon– simple lang. Kung nag-aral kayo ng arts nung elem, ito ay binubuo ng mga linyang tuwid o linyang pakurba. Nagkakapareho sila sa kastilyo, apa, pusa at kape sa Amerika. Ito ay sumunod sa Swine Flu at dumating bago ang pinakamatanda sa Going Bulilit. Dami nang clue.
Basta.
Quarter Moon.
Si Isko sa Purok Paraiso
Naramdaman ko ang panunuot ng sikat ng araw sa aking balat na kailan ma’y wala nang iiitim pa. Dati nama’y hindi ito ganito pero sa mundong ginagalawan ko, ang magkaroon ng isang simple at malinis na damit ay isa nang luho. Madalas akong walang t-syert kapag kumakayod. Sabi ng mga katropa ko, magsuot daw ako ng damit dahil mainit at makakakuha ka pa raw dito ng isang sakit sa balat. Sangborn ba iyon? Sangborn o Sambern. Basta sakit sa balat. Yun na yun. Pero sabi ko naman, sanayan lang yan.
Bumangon ako sa kinahigaan kong lumang kudson sa isang payak na silungan sa gitna ng purok Paraiso, ang lugar kung saan ako lumaki at nananahanan ngayon. Sabi nga nila, isang malaking kabalintuanaan ang pagtawag sa lugar namin ng ganoon. Sa kwento ng Lola Asyang kong limang taon nang dedbol na dahil daw sa mambabarang, sa Paraiso daw nanalagi ang mga sinaunang tao, si Adan, si Eba, at ang Taong Tabon. Matiwasay daw ang pamumuhay doon at lahat daw nang naisin mo ay makikita mo. Ayos pala. Maraming mga prutas na marahil ay inilalako ni Eba sa mga suki niyang anghel at mga hayop na ipinapastol noon ni Adan. Ang Taong Tabon naman. Napaisip ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaabalahan niya noon. Tagakatay marahil.
Sa Paraiso namang kinasasadlakan ng aking lahi ngayon, hindi mga bundok na tinatalukban ng mga punong kaimito ang makikita kundi mga kabundok na basura at kalat. Sa kanyang kalawakan, nahati ito sa dalawa, ang Gomahan at Minahan. Sa Gomahan, puro mga gulong ng mga sasakyan ang makikita. Sa Minahan kung saan nakatirik malapit ang munti naming bahay ng nanay ko, samu’t sari. Mga plastic, lumang damit, sapatos, telebisyon, batya, hanger, bag at kung anu-ano pa. Kaya tinawag na minahan, dahil doon madalas humahalukay ang mga magbabasurang tulad ko.
“Isko!”
Narinig ko ang maganda kong pangalan habang humihikab dala ng antok. Lumingon ako sa likuran.
Bangkang Tsinelas
Nagising ako sa nanggagalaiting tahol ng dalawa naming itim na askal. Ngayon ko lang narinig ang mga iyon na tumahol ng ganoong kabangis. Bumuka nang bahagya ang aking kanang mata upang suriin ang paligid pero wala pa akong masyadong maino. Medyo maliwanag na pero hindi pa sapat upang makita mo nang malinaw ang lahat. Ang puno ng tsiko, ang dalawa naming kalabaw, ang kabuuan ng bakuran, wala namang nagbago nang huli ko iyong makita kahapon. Isa lang ang naramdaman kong nadagdag, ang malambot kong kumot na hindi ko naman kasama nang makatulog ako. Marahil ay dinala ni Nanang kagabi. Dito na ako sa labas naidlip kagabi buhat nang matapos ko ang pagkakamada ng ilang lupon ng tubo na pipigain ngayon para gawing suka. Hindi ako nasindak sa papataas na araw sa silangan at ang sunod-sunod na pagtilaok ng mga tandang sa paligid. Iisa lang ang mensaheng pinaparating. Dapat na akong bumangon. Pero dahil sa bulong nang aking kaluluwang hindi pa nakukuntento, nanatili pa rin akong taimtim na nakahiga sa aking munting papag.
(more…)
Ang Katapusan ni Berto Junior
Nakita ko si Perla.
Sinundan ko.
Mabilis siyang naglakad, parang tumatakbo.
Tumingin siya sa kanan, luminga sa kaliwa.
Pinagpawisan marahil .
Paranoid ang dalaga.
Kalat ang bituin sa langit, maliwanag ang buwan
Malamig ang paligid, medyo mahangin, medyo madilim
Tumigil sa may masukal na damuhan
Parang crossbreed ng aswang at mambabarang
Luminga sa kanan, tumingin sa kaliwa
Hinihintay siguro ang anghel na sasalba sa kanya
Pagkuwa’y dumating si Berto
Mata’y papikit-pikit, lakad ay hindi diretso
“Lasing ka?” tanong ni Perla
“Obyus ba? “ sagot ng adik na si Berto
“Ano, kaya mo pa bang gawin?” tanong ng dalaga
“O’kamon. Ako pa?” sagot ng naduduwag na binata
Humiga si Perla sa gitna ng damuhan
Ang mga tipaklong at alibangbang ay nagsiliparan
Huminga ng malalim si Berto’t naluluha
Wala sa kagustuhan ang magkasala
“Mahal kita Perla, di ko kayang kumitil ng buhay” iyak niya.
“Ogag! Kung ayaw mo, ako na gagawa”
Paningin ni Berto’y nagdilim
Binulungan ng demonyo ang utak niyang singlabnaw ng Gin
Sa kailaliman ng malamig na gabi.
May nagkasalang adik.
May inang hindi nagsisisi.
Dapat sana’y may bata pang hihikbi.
Pasted from <file:///C:\Documents%20and%20Settings\Neil\My%20Documents\POETRY.doc>
Night Walkers
My eyes seemed not to care
About the stress that’s been wrecking ‘em
Too many tiresome nights
Made me a forced insomniac
And that the thrust of the lethargic brain
Has been defied by the gravity of work
Cannot be forever concealed
Behind lousy frames and deceitful glasses
An incomplete sign of labor weakness
But an evidence of dedication
Still up when all are down
Kept the world turning even at dark
For every drop of sweat
Is a penny that can change lives
And for every ache of the corporeal creation
Is a spirit relieved from hunger and thirst
Shouting for the purchase of eggs
Driving for the people up-late
Cleaning for the dirt of the hustlers
Comforting for the patient’s aid
It’s life beyond the lively
And Sacrifice beyond reality
Dalawang Istik ng Kalamares
June 22, 2009
Tila ipinahahayag na ng daigdig na ako’y may itim na balat sa puwit dahil sa kamalasang sumalubong sa akin ngayon. Lagi ko namang dinadala ang aking payong eh. Pero sa pagkakataong ito, nakaligtaan kong dalhin. At ngayon, heto ako, isang anak sa labas ni satanas, iginagala ang paningin sa mga aleng nakatulog sa dyip at nang madekwat ko ang kani-kanilang mga payong na nakalagay sa ilalim ng kanilang mga upuan. Napangiti ako saglit dahil sa katarantaduhang binabalak ko pero sa huli’y natigilan din. Ganito na lang ba ang buhay ko? Isang bente singko anyos na manggagantso, tambay sa kanto, at napagkakamalang adik? Napangiwi ako at napagdesisyunang magmuni-muni muna kesa alalahanin ang mga detalye sa buhay kong wala namang saysay. Isang buhay na nahubog ng kamangmangan at kawalang edukasyon.
Napatingin ako sa mga naglalakihang gusali na nadadaanan ng dyip. Diyan nananahanan ang mga mayayaman. Sila kadalasan yung mga nakasuot ng Amerikana lagi basta papasok sa trabaho daladala ang isang maliit na Samsonite, yung nakikita sa pelikulang sisidlan ng milyun-milyong perang ipantutubos sa mga nakidnap na bida. De-aircon siguro lahat ng opisina diyan kaya di nakapagtatakang kapuputi at kakikinis ng mga kutis ng mga nagtatrabaho. Napalunok na lang ako sa inggit habang iniisip ang laki ng pagkakaiba sa pinagtatrabahuan kong junkshop sa isang purok sa Commonwealth. Ayun. Tumpak. Resulta ng katamaran ko. Hindi na nga ako masyadong nakapag-aral, wala pa ring kapangapangarap hanggang ngayon. Ewan ko ba. Naniniwala na lang akong kung para sayo ang suwerte, iyo talaga, pero kung hindi, kahit ikaw pa ang pinakamatalinong tao sa mundo ay hindi talaga para sa iyo.
(more…)
Regrets
June 10, 2009
There I was, quietly sitting like a phantom
With a soul entrapped in a niche of lamentations
Yearning for the damp air to smother me
And the blackness to veil my existence
I was deeply marred by the circumstances,
Hurt by my own foolish ironies
Like h0w a jackal snarls at his unwilling master,
As how a sword slashes his coward fighter
I should’ve done something to keep you here beside me
Should’ve seen the hurtful fact,
That I’m not the only man in this world meant for you
You could have been mine,
and I could have been yours..
But I was fooled by my own fears and gutlessness
And instead of seeing us together in the future,
I ended up counting some mournful numbers
Swallowing bitterly my own regrets ,
for a girl I could have fought for..
Does it suggest an omnipotence?
June 1, 2009” Everything is possible. The impossible just takes longer to work with.”
Between the Rock God and the Underdog
May 18, 2009Two days. Yup. The battle is one between the contenders of the near-to-ending American Idol. Basically, it’s between the blackey gothic-dressing san diego native Adam Lambert and the silent but crumpy arkansas born Kris Allen. I’ve actually lost the nerves to watch the show religiously anymore because of Matt and Anoop’s elimination. But hey, I think Adam Lambert will win the competition. He’s awesome, can sing anything, has an enormous range of vocals, has this kind of appeal to adventurous people and can really mystify the listeners. But I hate the shouting, although it’s a melognomonic sign ( hahaha). But let me say, Kris Allen is really someone to watch out for. He can also sing and I;ve heard his studio versions and he has this coldplay, john mayer, the fray kind of style which is very cool to listen to while you travel or goof around the park. Yeah. No wonder he’s still in the competition right now. About other people’s reaction about Danny’s elimination, that’s life fellas. He’s actually not a bet for me. Y know. Yeah, he;s good but the husky kind of voice that he has is actually irritating me. Parang matanda kung kumanta. Pang stage performance lang at hindi pang record. I’d rather choose Matt, Anoop, Megan, Kris and Adam if recording is the contention here. haha.
Basta. I think Adam will win. wooooh!
Four Sides
One, I ain’t an emo
Two, I wish I was
Three, I’m actually one right now
And Four, maybe for a couple of minutes more..
Nang magCHAT kami ni "A"
April 25, 2009Classmate ko si A nung highschool. Kulot ang buhok niya. Minsan mahaba, minsan maikli. Mas type ko yung mahaba sa totoo lang. Hmm. HIndi siya yung tipong sinasali sa mga sarisaring mutya o lakambini ng mga bayan-bayan pero para sa akin, maganda siya datii. Hindi naman sa hindi ko na siya ginaganda ngayon pero siyempre nagbabago din naman ang panlasa (what a term, anu siya tokneneng? haha) ng isang tao. Nagkachat kami kani-kanina lang mula sa dalawang computer shop na ilang lakad lang ang layo. At nagulat ako sa mga kabulastugan niya. haha. Bottomline: siya ang naging unang babaeng naging laman ng utak ko nung HS (Wala na akong pake kung nababasa niya to ngayon haha). Basta. Gusto ko siya dati pero hindi naging ganun katapang na umamin kahit halatong-halatado na. HIndi naging kami pero posible siguro kung isa sa amin ang bumigay ng tuwiran.
First Year (Prodromal Phase)
Tabatchoy ako nun. Kalbo ang buhok. Parang buhay na siopao. HIndi malaman kung saan bibili ng pantalon dahil sa lapad ng taba na nasa tiyan. What do you expect? Magugustuhan kaya niya ako?
(more…)
The girl in my picture frame
April 24, 2009Tatlong taon na ang nakakaraan pero hindi ko pa rin magawang itapon ang picture nyang nakalagay parin sa hugis snow-flake na photo stand sa bahay. HIndi na kami. Wala na kaming commuication sa isat isa pero para kasing anlaki ng mawawala sa akin kapag tinaggal ko nga yung pic dun. Araw-araw, kapag mapapadaan ako sa helera ng mga photo stands sa kwarto ko, bumabalik parin ako sa kusina para kumuha ng basahan at punasan ang alikabok na naipon sa glass part ng frame. Parang tanga e. Siya na nga mismo ang nagsabi na wag na akong magtetext or e-mail sa kanya ng mga bagay na wala naman siyang pakialam. Kahit simpleng hello lang or any greeting. Oh di ba? isa itong makatuwirang uri ng kamartiran. But what could I do if she really made a different kind of appreciation in my heart. Tsk tsk. Nagmove on na ako, NAMAN. Tatlong taon na ang nakalipas. May gusto na nga akong bago ngayon eh. Tsk. Dalawa sila pero sinaraduhan ako ng isa. Haha.
Plakard
April 21, 2009
Ilang minuto na ang lumipas. Nasa harapan parin ako ng salamin. Napako na ang aking isipan sa mga bagay bagay na sadyang gumugulo sa akin. Ubos na ang aking allowance. Wala na rin akong pangmatrikula. Wala na akong ibang mahihingan sapagkat matagal na akong itinakwil ng aking mga magulang. Suwail man ako, may mga pangarap din naman. Hindi lang nila talaga ako maintindihan. Nautangan ko na rin ang lahat ng pwede kong mautangan, mga katropa, mga kapitbahay, mga kagawad lahat.
Iginala ko ang aking mga mata sa paligid at baka may mahagilap akong pwede pang lumanding sa pawnshop kahit na hindi ko na matubos mairaos lang ang pangangailangan ko ngayong linggo na to. Napakamot lang ako ng wala akong nakita ni isa. Kasasanla ko lang pala sa Rolex na regalo sakin ng isang kaibigan noon.
Seatmate
And here we are again..
At this point of time,
Our tongues would’ve already been twisted
No O’s and no A’s
And there would be deafening silence..
With a slim empty line between us,
It’s as if we’re still a thousand miles apart
The tranquility’s awkward,
And so I would break it up
But you’d want me to stop
Best op Prends
Itinapon ko na ang natirang upos ng sigarilyo matapos ang isang malalim na hithit. Naramdaman ko ang nakarerelaks sa init ng usok sa magkabilang baga ko at hinayaan ko munang kumalat ang init sa aking katawan bago tuwirang pinakawalan ang kulay abong hanging nagpapagaan sa loob ko. Matagal na akong kinukumbinsi ni Itay na itigil na ang paniningarilyo dahil sadyang wala naman daw itong naidudulot na mabuti. Oo nga naman, perwisyo. Kahit wampipti isang stick, pambentsin na yun ni Inay sa karinderya niya. Sinibukan ko naman itong itigil e. Sa katunayan, magtatatlong buwan na akong hindi nagyoyosi. Pero nabali ang aking magandang rekord ngayon ngayon lang. Lintek.
Sa kabila nang init na binigay ng pagyosi, may parang nginig parin ang katawan ko. Mahangin e. Katatapos umulan. Nak nang put^. Kung bakit ba naman kasi umulan pa e kasagsagan ng summer. Napabuntong-hininga ako sabay silip sa aking pasira nang relo. Alas onse kwarenta. Perpek. Maglilitanya nanaman si Inay. At dahil wala na sa plano ko ang mapagalitan ng mas malala, dinalian ko na ang paglalakad.
Madulas ang mga eskinita na tila wala nang lulusutan dahil sa dilim. Ang mga ilaw ng baranggay ay pundido mula pa nung pasko at sadyang wala na yatang plano ang mga kagawad na palitan ang mga yun. Nang makita ko ang lugar-igiban ng purok, minarapat kong magmumog muna para lunurin ang sangsang ng sigarilyo sa aking mga gilagid. Ayos. Binombahan ko ang poso ng kaunti at saka ako yumuko sa harap nito’t hinayaang maipon ang umaagos na tubig sa aking naghihintay na bunganga. Pinakulo ko ang tubig sa loob at saka iniluwa pagkatapos. Sumilip ako ulit sa relo ko na kita naman kahit papaano sa gitna ng kadiliman dito sa Purok Araruhan. Alas onse kwarenta y kwatro.
Dineretso ko na ang huling eskinita at saka lumiko sa kanan. Kita ko na ang bahay pero himala, patay ang ilaw sa sala. Napatayo ako mga sampung metro mula sa pintuan. Pati ang kwarto nila Inay sa taas ay hindi rin nakasindi. Napangisi ako. Tingnan mo nga naman ang sinuswerte. Its my day.
Pagtapak ko’y umalingawngaw ang mga batya ni Inay sa labas dahil sa naghahabulang pusa.
“Letseng mga pus–” Natigilan ako nang mapansing kong may taong lumalapit mula sa punong mangga. Yun na. Lintek. Hindi na umubra ang salitang “pamilyar” sa sitwasyon.. Kahit anino lang at karampot na liwanag ang bumalot sa mukha niya’y alam kong siya iyon at sa aking direksyon nakatingin ngayon.
She
April 20, 2009
![]()
I just thought,
staring at the floor’s far better
than to dwell my vision towards her eyes
sweet eyes anyone has ever wished for
But it’s rather painful
seeing her gaze shift away from mine
May Plakard 2 ba? (In response to those who beg for a second part)
Eto nanaman. Maglilitanya nanaman ako dahil sa mga humihiling na sana may pangalawang kabanata ang maikling kwento kong “PLAKARD” sa newsletter issue ng Highlights (on the positive side) at sa mga humihirit na bitin ang kuwento. Natuwa naman ako na maraming bumasa at nakaappreciate sa eksposisyon ng storyline. Pagkatapos kong malikom ang ilang e-mails at ilang text messages mula sa iskul pipol at other-skuls-pipol, binasa ko ulit ang kuwento for assessment. Haay. Natapos ko naman ah! Haha. Ang plano ko talaga’y sa linyang “Nagbibigay pag-asa naman” magtatapos ang kuwento pero nako, parang sisirit ang dugo sa kama ko ngayon dahil sa mga nagbabanta sa buhay ko at humihingi ng part 2. Ang tanong, kailangan ko pa bang isipin nang isang daang beses kung dapat pa akong magpart 2 kung buhay ko na at buhay ng future family ko at mga apo ko sa tuhod ang nakataya? hahahaha. Okey okey. I made up my mind. May part 2 but I’ll review the plot first to make the story line consistent.
Sa mga nagrereak kung bakit hindi ako nag-abide sa moral principles sa paghubog ng karakter ng bida, tsk tsk. Kasi mahilig akong gumawa ng characters na emo at yung may mga mabigat na problema. It pulls out all the creativity I have inside at parang napakaemosyonal yung takbo ng kwent. Hindi tulad ng mga bubbly, n0-problemo characters na nagigingboring minsan at korni in a sense. (Pasintabi, hindi poi ako nang-aalipusta, sariling kuro-kuro lang po).
At sa mga nagtatanong kung sarili ko ba talaga ang dinedescribe ko doon, let me think about it. Haha. The truth is, hindi. Apay ilakok ta kidnik dudes? Bamon a met.
Till here. The point is may PART 2 po ang PLAKARD.
Bow. *Witwiw*
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| « Jul | ||||||
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | ||
| 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |
| 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 |
| 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 |
| 27 | 28 | 29 | 30 | |||
Monthly Archives
Sponsored Links
Tag Cloud
Who's Who
Latest Items
Most Popular
Piktyurs
Latest Comments
- Shayne Klarisse Eclarin: Thanks for this. I so...
- totheendsoftheearth: alright. i get it now....
- lobate: swerte naman nia.....
- buddy_13: bud, about this blog. Hmm.....
- bio: there's no such thing as...
Message Board
- engrape financier:
Just dropping by and say hello
- Silence!:
I’ve not spent a huge amount of time in Manila but I must say it’s an amazing place. Anyway, I just commented here because I’m researching blogs about Manila. and found your site through google. If you can share any ideas on things to try when in Manila then I’d appreciate hearing them
- Adik sa Anime:
hehe Hi poh napadaan lng poh sa blog mo.. am nag-uumpisa palng poh ako sa blog.. and gusto ko.. magbuuild ng frieds.. pwede po ba tayong mag exchange links?
- albert:
Happy Friendship Day
Best Friend
Ingat na lang lagi.
:)- bio:
ei vnvisit mo b blog ko? ha ha. nagssurvey ako, di kc mtrack kung cno pmpnta portal ko. ha ha
- bio:
ei, vinvsit mo ba blog ko? ha ha. nagssurvey ako, di ko kc mtract kung cno pmpunta portal ko. ha ha
- kulogatkidlat:
ginawang chat box ang blod ko hahahaha
- joebel:
hello skyracer
- joebel:
wla lang hehehe
- Jenn:
kuya, palink. . .
kabagZAulohniJENNIFER.blogspot.com
- buddy_13:
bud, ung plakard na blog mo.. dami ako itatanong..
- skyracer:
Hi hello nice blog!
- kulogatkidlat:
freak. anything.
- freak:
nkalimutan ko sbhin sayo to…
“Panalo ang SMB!”
hahahahahahaahahhapero, magling parin si mr. mvp in fair ..view.

ano theme ng posts mo? napapaisip 2loy ako.haha- donnalyn:
at saka palink aman kuya..haha
- donnalyn:
panu pala gumawa ng message board kuya?hehe.salamat!
- donnalyn:
galing..gusto ko ung si amy at ako..hehe..caught my attention..wehe..ganda..keep burning kuya..god bless.
sya nga pla bat ka kay jehova ka nagpra2y?ummmm?- donnalyn:
halu kuya..galing ng mga pinopost aa..hehe..
Idol..wehe..ummm…thanks for checking my errors kuya..haha..ERRors kunak lattan kuya..haha..sama namang pakinggan pag incorrect grammar..haha..I really admit na incorrect ung ASKED..haha..thanks kuya…- kulogatkidlat:
uno. kung sino ka man. salamat sa pagview. hehe. di nga sino ka?
- kulogatkidlat:
thanks po sa pagview



